PATULOY na inaaalam ng Office of Civil Defense kung hanggang saan ang pinsalang idinulot ng magnitude 7.1 earthquake na yumanig sa lungsod ng Mati sa Davao Occidental.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director at OCD Administrator Ricardo Jalad, hanggang kahapon ay inaalam pa ng lokal na pamahalaan ng Mati City, pinsalang idinulot ng lindol na yumanig sa lalawigan pasado ala-1:46 ng madaling araw.
Sa isinumiteng ulat ng PHIVOLCS naramdaman ang pagyanig 19 kilometers northeast ng city of Mati (Davao Oriental).Natukoy ang sentro na may lalim na 69 kilometers at tectonic in origin.
Sa mga reported intensities nasa Intensity V ang General Santos City; Intensity IV – Koronadal City; Tampakan, South Cotabato habang sa Instrumental Intensities nasa Intensity IV – General Santos City, South Cotabato, Kiamba Sarangani; Intensity III – San Francisco, Southern Leyte, Abuyog Leyte,
Kidapawan CIty, Cotabato, Hinunangan, Southern Leyte; Intensity II – Sainte Bernard, Southern Leyte, Dulag, Leyte, Surigao City, Surigao Del Norte, Palo, Leyte at Intensity I –Alangalang, Carigara, Leyte.
Sinabi pa ng PHIVOLCS,asahan umano ang pinsala at aftershock matapos ang nasabing pagyanig.
Magsasagawa ng assessment ang mga awtoridad sa lugar upang makita ang pinsalang dulot ng nasabing lindol na unang inireport na nasa magnitude 7.3.
Ayon sa datos ng United States Geological Survey may lakas ang naganap na lindol na 7.1.VERLIN RUIZ
496722 111495Correct humans speeches need to seat as well as memorialize about the groom and bride. Beginer sound system around rowdy locations should always not forget currently the glowing leadership of a speaking, which is ones boat. greatest man speeches brother 617063
849346 121083This is a fantastic web site, will you be involved in doing an interview regarding how you created it? If so e-mail me! 334587