MINDANAO-GINULANTANG ang mga residente ng Davao Oriental ng yanigin ng magnitude 6 earthquake kahapon ng madaling araw.
Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ipinarating sa tangapan ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) naitala ang pagyanig dakong alas-2:20 ng madaling araw kahapon.
Rumehistro ang paggalaw ng lupa sa bahagi ng Governor Generoso na may lalim na 71 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity III earthquake sa Tupi, South Cotabato at Intensity II sa General Santos City.
Naitala din ang Instrumental Intensity III sa General Santos City at Intensity I – Davao City at Kidapawan City.
Walang inaasahang pinsala na dulot ang nasabing paglindol subalit asahan na magkakaroon ng aftershocks, ayon pa sa PHIVOLCS. VERLIN RUIZ