DAVAO ORIENTAL – GINULANTANG ng magnitude 4.9 na lindol ang mga residente ang Governor Generoso, Davao Oriental nitong madaling araw ng Biyernes, Agosto 23.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang lindol ay naganap dakong ala 1:21 ng madaling araw sa lalim na 128 kilometro.
Daggdag pa ng PHIVOLCS ang nasabing lindol ay tectonic in origin.
Naramdaman ang Intensity I ng lindol sa Malungon, Sarangani.
Wala namang naiulat na pinsala sa lindol bagamat posible ang aftershock.
EVELYN GARCIA