CAVITE – KAMATAYAN ang sinapit ng isang lalaki na dumayo ng Advincula Ave. Brgy. Batong Dalig Kawit, nang barilin ito sa ulo, kamakalawa.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala ang biktima na tinatayang nasa edad 20-30 lamang, may taas na 5’5, nakasuot ng orange na long sleeves na may tatak ng “RN fried alamang” at naka-jogger pants.
Nakasuot din ang biktima ng pink na Nike cap at puting tsinelas.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-singko ng madaling araw nang makarinig ang mga residente ng sunud-sunod na putok ng baril bago natagpuan ang duguang biktima.
Tadtad ang biktima ng mga tama ng bala sa ulo. Walang nakakakilala sa biktima kung kaya malaki ang posibilidad na hindi siya residente sa nasabing lugar.
PMRT