MARIING itinanggi ni David Licauco na nakikisakay siya sa kasikatan ni Kathryn Bernardo para makilala ng tao.
Aniya, aminado siyang tagahanga siya ng aktres, at natural lamang na ngayong nasa showbiz na siya ay pangarapin niyang magkaroon sila ng project na magkasama.
Hindi umano ibig sabihin nitong magkakaroon nga sila ng project. Kaya nga raw pangarap – pero sana nga ay magkatotoo.
Kahit kailan ay hindi inilihim ni Licauco ang paghanga niya kay Kathryn, at kapag may pagkakataon, talagang nagpapakuha pa siya ng litrato kasama ito. Lagi naman itong pinagbibigyan ni Kathryn dahil talaga namang mabait siya sa mga fans