DAVIS BINITBIT ANG LAKERS SA PANALO VS WIZARDS

Anthony Davis

NAGPASABOG si Anthony Davis ng season-high 55 points, kapos ng apat sa kanyang career high, at naitala ang kanyang ika-10 sunod na double-double na may 17 rebounds upang pangunahan ang Los Angeles Lakers sa 130-119 panalo kontra host Washington Wizards noong Linggo.

Nagdagdag si Davis ng tatlong blocked shots kung saan nasundan niya ang 44-point performance sa panalo ng koponan laban sa Milwaukee Bucks noong Biyernes.

May iniindang injury, sinabi ni Davis na nakukuha na niya ang kanyang rhythm.

“I’ve been feeling really good, confident in all my shots, playing with a great pace,” ani Davis, naipasok ang 22 sa kanyang 30 attempts mula sa floor.

Umiskor si Lakers superstar LeBron James ng 29 points, tumipa si Lonnie Walker IV ng 20 at nagdagdag si Russel Westbrook ng 6 points at 15 assists.

Nagwagi ang Lakers ng tatlong sunod at ika-8 sa kanilang huling 10 laro.

Celtics 103, Nets 92

Bumawi ang Boston Celtics mula sa overtime loss sa Miami Heat sa 103-92 home win kontra Brooklyn Nets.

Kumamada si Jaylen Brown ng 34 points at nagdagdag si Jayson Tatum ng 29. Gumawa si Malcolm Brogdon ng 13 mula sa bench at na-outscore ng Celtics reserves ang bench ng Brooklyn, 24-15.

Nanguna si Kevin Durant para sa Nets na may 31 points, 7 rebounds, 5 assists, 2 steals at 2 blocked shots.

Nagdagdag si Kyrie Irving ng 18, subalit naputol ang four game winning streak ng Brooklyn.

Pelicans 121, Nuggets 106

Nagsalpak si Pelicans guard Jose Alvarado ng walong three-pointers patungo sa career-high 38 points sa panalo ng hosts kontra Denver Nuggets.

Naitala ng 24-year-old mula sa Puerto Rico ang pinakamaraming puntos ng isang player na nagmula sa bench ngayong season.

Nagdagdag si Pels star Zion Williamson ng 25 points para sa New Orleans na nalusutan ang 32 points, 16 rebounds at 8 assists mula kay Denver’s two-time defending MVP Nikola Jokic.