DAVIS CUP: PINAS ‘DI NAKAPORMA SA GREECE

davis cup

TULAD ng inaasahan ay pinaglaruan ng magkapatid na Stefanos at Petros Tsitsipas sina AJ Lim at Jason Patrombon sa ­singles at umabante ang Greece sa 2-0 laban sa  host Philippines sa Asia versus Europe sa Davis Cup World Cup II Tennis kahapon sa Philippine Columbian Association tennis court sa Paco, Manila.

Kinailangan lamang ng wala pang isang oras ni Stefanos, ranked fifth sa mundo, upang dispatsahin si Lim, 6-2, 6-1, ganoon din si Petros laban kay  Patrombon, 6-2, 6-1, sa unang pag­haharap ng dalawang bansa.

Tatangkain nina Francis Casey Alcantara at US-based Ruben Gonzales na iganti ang pagkatalo nina Lim at Patrombon sa pakiki­pagtipan kina Marko Kalovenilos at Petros Tsitsipas sa doubles.

Sa kabila na galing sa malamig na bansa, hindi nakitaan ng physical fatigue at exhaustion ang makapatid na Tsitsipas at dinomina ang kanilang Pinoy na kalaban.

“I came here to win and I did it as I expec­ted,” sabi ni Stefanos na bago pumunta sa Pinas ay naging runner-up kay Novak Djokovic ng Serbia sa Dubai ATP Tennis tournament.

Bago harapin si Lim, si Stefanos ay naglaro sa China at France.

“I am playing against world class rival,” sabi ni Lim, bronze meda­list sa nakaraang 30th Southeast Asian Games.

Pinalad naman sina Lim at Patrombon, ­kapwa Asian Games, Davis Cup at SEA Games ve­terans, at hindi sila na-love set.

“The game was be­neficial to our players. They had the opportunity to play against world class players,” sabi ni non-playing coach Cris Cuatro.

Kakulangan sa fo­reign exposure ang isa sa mga dahil sa pagkatalo nina Lim at Patrombon sa magkapatid na Tsitsipas na naglaro sa high-level international tennis tournaments sa Asia at Europe.

“Our players lack foreign exposures compared to the Greeks,”  pag-aamin nina tennis president Manny Misa at tennis enthusiast at da­ting baseball at softball player Raul Saberon. CLYDE MARIANO

Comments are closed.