DAVNOR BANANA FARMERS HINIMOK NA SUBUKAN ANG SORGHUM FARMING

SORGHUM FARMING

HINIMOK ni Minda­nao Development Autho­rity (MinDA) chairman Secretary Emmanuel “Manny” Piñol ang banana growers kama­kailan na konsiderahin ang sorghum farming habang bumabawi pa sa epekto ng Fusarium wilt o ang Panama disease.

“Planting sorghum does not require you to overhaul the terrain of your fields so it will be easier to grow, and these are guaranteed to grow in your fields with lesser maintenance,” sabi niya noong magkaroon ng Banana Fusarium Wilt Management Forum sa Tagum City, Davao del Norte.

Napansin din niya na ang sorghum ay nakakapagprodyus ng tatlong beses na ani sa isang beses na taniman lamang.

Magagamit din ito para ipakain sa hayop, na isa rin sa pinagkukunan ng kabuhayan ng mga magsasaka.

“A hectare planted with sorghum can feed at least 20 heads of livestock in a year,” sabi niya.

Siniguro ni Piñol ang mga magsasaka na susubok sa sorghum farming na ang panimulang kapital ay may nakalaan mula sa isang pribadong kompanya mula sa United States, na siyang magbibigay ng donasyon para sa binhi.

Para naman sa merkado nito, siniguro rin ni Piñol na may isang kompanya mula sa Thailand na gustong bumili ng sorghum sa presyong P12 bawat kilo.

“Unless we don’t give access to the farmers, there will never be progress in the countryside,” dagdag ni Piñol.

Napansin din ni Davao del Norte Governor Edwin I. Jubahib na ang alternative crops ay ilan sa mga short-term measures na makapagsisiguro ng matatag na kita para sa mga magsasaka habang ang fusa­rium wilt issue ay ni­reresolba pa.

“This is why we are working with the Department of Agriculture (DA) in developing tissue culture varieties which will counter fusarium wilt in the long run so that our farmers can go back to growing bananas,” sabi niya.

Siniguro niya ang ayuda at suporta na ibibigay kung sakaling konsiderahin ng mga magsasaka ang sorghum farming bilang alternatibong hakbang.

“We will be channeling some of our calamity funds to purchase backhoes, to help you start with sorghum farming,” aniya pa.

Pero hinimok din ng gobernador ang banana farmers na humanap din ng iba pang paraan. PNA

Comments are closed.