NA-MISS ng mga netizen ang kakaibang talent ng magaling na aktres na si Dawn Zulueta.
Naging rebelasyon kasi sa social media noon ang kanyang bagong talino na hindi pa dating alam ng publiko.
Nalantad na bukod sa pag-arte, may ibubuga ang aktres sa musika. Katunayan, nag-viral noon sa social media nang ibahagi niya ang kanyang talento sa pagtugtog ng piano na aniya’y regalo niya sa sarili niya bago siya tumuntong sa edad na 50.
Long-time dream kasi niya ang matuto at tugtugin ang klasikong “Moonlight Sonata” ni Beethoven. Katunayan, ibinahagi niya noon kung paano siya nagkainteres sa pagtugtog ng piano.
“I began playing only by ear as I don’t know how to read musical notes & never had formal lessons before. This is far from perfect. Nonetheless, I am happy to have had the privilege of playing for a cozy crowd. Thanks to my teacher for encouraging me & believing in me,” hirit niya.
Ngayon, maraming netizens na ang nakaka-miss sa kanyang susunod na ipakikita.
Baka, sa susunod, sorpresahin na lang daw ni Dawn ang kanyang mga supporters at followers ng isang recital o concert.
Si Dawn ang isa sa mga Pinay na artistang babae natin na nagtataglay ng pinakamagandang mukha sa local tinseltown.
JAO MAPA PROUD SA KANYANG BAGONG OPISYO BILANG TITSER
HINDI ikinahihiya ni Jao Mapa na sumasakay lamang siya ng MRT papasok sa International School sa Makati na pinagtuturuan niya.
“It’s a good exercise. Practical din siya, para iwas-trapik. Besides, enjoy naman ako sa ginagawa ko,” sey niya. “Iyong schedule ko rin ay twice a week, so okey lang,” pahabol niya.
Hirit pa niya, bilang art teacher, masaya siyang naibabahagi ang kanyang sining sa kanyang mga estudyante.
“United colors iyong mga student ko. Iba’t iba siyang nationality. Iisa lang ‘ata ang Pinoy,” kuwento niya.
Dagdag pa niya, kakaiba ang fulfillment na nararamdaman niya bilang teacher.
“Sa acting ang fulfillment mo ay iyong nagagampanan mo ang role mo, sa teaching, ang pinaka-fulfillment ay kapag nakikita mo na naa-absorb o na-tututo ang mga estudyante mo,” aniya.
Kahit na maituturing na stable job ang pagtuturo, nilinaw naman niya na hindi niya iiwan ang pag-arte dahil nanatili itong passion niya.
Bukod sa pagiging actor, si Jao ay isang magaling na pintor dahil graduate siya ng Fine Arts.
ATTY. PERSIDA ACOSTA HATAW SA SERBISYO PUBLIKO
MARAMI ang humikayat noon sa magaling at matapang na Public Attorney’s Chief na si Atty. Persida Acosta na kumandidato bilang senador sa national elections pero para sa kanya, wala ito sa prayoridad niya.
“Puwede naman ako makatulong sa ibang bagay,” aniya. “Puwede naman akong mag-serbisyo publiko kahit wala akong posisyon,” dugtong niya.
Pag-uulit pa niya, mas importante raw sa kanya ngayon ang makapagbigay ng serbisyo sa bayan.
“Nandito ako para maglingkod sa bayan, kaya hindi ko na kailangan pang tumakbo,” saad niya. Ngayon, patuloy ang paghataw sa larangan ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng free legal assistance at pagpapatupad ng visitation sa mga preso para ma-decongest ang mga bilangguan sa bansa.
Comments are closed.