DAWN ZULUETA SUKO NA SA TELESERYE

DAWN ZULUETA

SA July pa ang playdate ng “Family History” pero ngayon pa lang ay masigasig nang mag-promo ang hotshotscast na first directorial job ni Michael V at siya rin  ang leading man ng movie. Tapos na tapos na ang kabuuan ng movie at habang nasa post production stage at start na rin sila ng promo.

Pinost nga ni Dawn sa kanyang Instagram account ang mga larawan na kung saan kasama niya ang “Bubble Gang” barkada sa pangunguna ni Bitoy. Pumayag ang multi awarded actress na mag-guest sa nasabing longest running gag show sa television na napapanood every Friday sa GMA 7. Bukod kay Bitoy ay may kuha rin siya kasama sina Valeen Montenegro, Kim Domingo, Chariz Solomon, Lovely Abella, Archie Alemania at Boy 2 Quizon.

May kuha rin si Dawn na kasama ang buong cast ng BG na pawang naka­ngiti lahat, tanda na masaya at proud sila nakasama ang sikat at magaling na actress.

Comment nga ni Valeen, “So nice having you in the set” na sinundan ni Kim ng, “Super down to earth natulala ako nung makita kita Ms @dawnzulueta, Godbless.”

Maging si Betong ay nagpahayag na tuwang-tuwa nang makita ng personal si Dawn. Bale ang pag-guest niya sa BG ang ikalawang pagkakataon na pag-apak niya sa GMA Network. Una ay nu’ng story conference ng kanilang movie ni Bitoy at ikalawa ang taping niya sa “Bubble Gang.”

Senyales na kaya ito nang pagiging Kapuso ni Ms. Dawn Zulueta.

HARLENE BAUTISTA INAMIN NA HINDI TANGGAP NG IBANG ANAK ANG BAGONG LOVELIFE

HINDI ikinaila ni Harlene Bautista na hindi tanggap ng ilan sa kanyang mga anak ang lovelife niya HARLENE BAUTISTAngayon sa dating kasamahan sa “That`s Entertainment” na hindi niya pinangalanan.

Ipinagtapat ito ni Harlene sa ginanap na birthday celebration cum presscon para sa mu­ling pagtakbo ni Hero Bautista bilang konsehal sa District 4 ng Kyusi sa Anabelle resto Tomas Morato. Hindi pa raw kasi nakapag-adjust ang iba niyang mga anak sa bago niyang personal life.

Sa ngayon ay nasa proseso na ng annulment ang kasal ni Harlene ay Romnick Sarmenta.

Ayon pa kay Harlene, nakilala na ng kanyang mga anak ang bago niyang boyfriend at maging ng kapatid niyang si Hero. Pagdating naman sa kuya niya na si Bistek ay busy pa ito kaya hindi pa sila nakapag-uusap magkapatid kaugnay ng kanyang lovelife.

Comments are closed.