DAWN ZULUETA TOP CHOICE NI MICHAEL V SA KANYANG PELIKULA, WALA NANG IBA

DAWN ZULUETA

ISA pala talaga sa top choices ng mga producers ng “Family History,” ang GMA showbiz eyePictures at Mic Test Entertainment, si Dawn Zulueta para maging leading lady ni Michael V sa movie, sabi ni Bitoy. “Siya talaga ang nasa isip ko nang gawin ko ang story at script ng movie, marketing wise, role wise.  Saka first time namin itong magtatambal ni Dawn kahit matagal na rin kaming magka­kilala.”

Natawa si Bitoy kung hindi ba siya nagka-crush kay Dawn noong araw, wala raw naman hindi nagka-crush kay Dawn dahil talagang beauty na ito noon pa hanggang sa ngayon.

Ayaw pa rin ni Direk Bitoy ikuwento kung ano ang story ng “Family History.”

“Basta ang last shooting day namin, doon din lamang malalaman ng buong cast ang story namin.  Hindi ito basta isang dramedy movie lamang, narito lahat ang elements ng isang movie na gusto naming maipakita sa audience.  Hindi namin kayo bibiguin.”

JO BERRY NATUPAD ANG PANGARAP NA MAKASAMA SI MAINE MENDOZA

DREAM come true sa little people, ang mahusay na actress na si Jo Berry, nang siya JO BERRYang i-guest ng sitcom na “Daddy’s Gurl” na nagtatampok kina Vic Sotto at phenomenal star Maine Mendoza.  Fan na fan kasi si Jo nina Alden Richards at Maine Mendoza.  Si Alden, ilang beses na niyang nakita at nakapagpa-picture siya kapag by chance na nasa GMA Network siya ay nandoon din si Alden.

Pero isang magandang chance ni Jo na makasama namang magpatawa si Maine sa sitcom at nagkaroon sila ng chance na mag-interact, kaya naman masayang-masaya siya.  Ang bait-bait at very supportive daw si Maine.  Siya ang special guest ng “Daddy’s Gurl” pagkatapos ng “Pepito Manaloto.”

14 PINOY SINGERS NAGSAMA PARA SA AWITING PANG-ELEKSIYON

FOURTEEN Pinoy singers and groups ang sumagot sa panawagan ng love and hope PINOY SINGERSpara sa Filipinas, ngayong papalapit na ang election at nakagawa sila ng isang awitin, ang “Sana Naman, Taumbayan,” isang komposisyon ng hitmaker na si Louie Ocampo at sinulat naman ang lyrics ng singer-songwriter na si Joey Ayala.  Ang awitin ay produced ng award-winning radio broadcaster na si Noel Ferrer at ni Moy Ortiz ng The Company.

Nagpasalamat si Louie Ocampo ngayong released na ang song lalo na at ilang araw na lamang ay election day na.  Pinasalamatan din niya ang mga nagbigay ng oras at effort nila para tugunan ang panawagan for free, honest, orderly at peaceful elections… na boboto tayo para sa taumbayan.

Ang “Sana Naman, Taumbayan” ay hindi political song, hindi rin kontrobersyal ang lyrics nito, puwedeng kantahin kahit sa simbahan. Kung sino man ang gustong gamitin ito sa kampanya nila, hindi na kailangang kumuha ng rights, wala kayong royalty na babayaran.  Kung gusto ninyong magkaroon ng copy, e-mail lamang ninyo si [email protected] or i-message ang Good-NewsPilipinas.com

Ang `14 singers na ibinigay ang talents nila for the people’s advocacy ay sina National Artist for Music Ryan Cayab­yab, Jamie Rivera, Jed Madela, Robert Sena, Isay Alvarez-Sena, Maysh Baay of Moonstar88, Myke Salomon, Reuben Laurente, Jay Durias, Mitch Valdes, Mass Appeal Choir, The Company, Agot Isidro, Bayang Barrios.

Pakiusap lamang nila, kung napanood at napakinggan na ninyo ang kanta, paki-share na lamang ninyo, para mas maraming makaalam at makarinig nito.

Comments are closed.