DAYAG ‘NAKAUWI’ NA, PAMILYA AT KAIBIGAN NAGDADALAMHATI

Kuwait

ISABELA – HALOS buong bayan ng Angadanan ay nagluluksa ngayon sa pagdating ng labi ng kanilang kababayan na si Constancia Dayag na namatay sa Kuwait.

Noong Biyernes ng gabi ay dumating na sa Brgy. Dalenat ang nakaselyo na kabaong ni Constancia  at ngayon ay nakaburol  sa bahay ng kanyang biyenan dahil nasa stage of decomposition na.

Sinabi ni Lovely Jane, anak ni Constancia na maitim at hindi na makilala ang mukha ng kanyang nanay kaya hindi sila naniniwala na natural cause ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Iginiit niya na lalaban sila para makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang ina.

Nangako aniya ang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan na tututukan ang kaso ng pagkamatay ng kanyang ina sa Kuwait.

Kasama ang ilang opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 2 sa paghahatid sa bangkay ni Constancia sa bahay ng kanyang biyenan. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.