BULACAN – UPANG maisakatuparan ang proyektong Daycare Center Building at iba pang programa, inilunsad ng Bulacan Provincial Police Office ang isang fund raising.
Sa pamamagitan ng 1st Provincial Directors Cup ni PNP Provincial Director Sr. Supt. Chito Bersaluna na magkakaroon ng patimpalak sa mga samahan ng shooters sa Brgy. Banga 2nd, Plaridel.
Ayon kay Bersaluna, ang proceed o ang kikitain ng palaro ay gagamitin sa pagpapagawa ng daycare building.
Layon nito na magkaroon ng malapit na eskuwelahan ang anak ng mga pulis kung saan mga lisensiyadong pulis rin ang magtuturo sa mga bata.
Kasama rin sa proyekto ang pagkakaroon ng sariling reloading machine para sa mga bala ng 1,656 na pulis ng Bulacan.
Samantala kabilang naman sa mga nagbukas ng firing range sina Ret. Gen. Benjie Belarmino, Bersaluna, Supt. Ferdinand Germino, Pistolero Owner Edwin Ramos sa bayan ng Obando at PIB intel officer Supt. Orlando Castil Jr.
Kasabay nito binigyan din ng pagkakataon ang mga pulis na may ranggong PO1 ng libreng pagpapaputok ng kanilang mga baril upang mapanatili ang kanilang mark manship. T. ARCENAL
Comments are closed.