BULACAN – DALAWANG shabu pusher kabilang ang isang tulak mula sa Caloocan City na kumikilos sa Bulacan ang kapwa napatay makaraang manlaban sa Drug Enforcement Unit (DEU) ng pulisya sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa bayan ng Balagtas at Meycauayan City.
Kinilala ni Chief Inspector Restituto E. Granil, Balagtas police chief, ang napatay na suspek na si Eric Puebla, ng Bagong Si-lang, Caloocan City at kabilang sa drug watchlist ng Balagtas Municipal Police at si Jay Gonzales alyas Kirat ng Barangay Bayugo, Meycauayan City na kapwa nagtamo ng tama ng bala sa kanilang katawan.
Nabatid na pasado ala-1:00 kahapon ng madaling araw nang maglatag ng buy bust operation ang operatiba ng DEU ng Balagtas PNP sa Barangay Pulong-Gubat ng nasabing munisipalidad matapos ang ilang linggong surveillance operation sa suspek na si Pue-bla na kumukuha ng droga sa Caloocan City at ibinabagsak sa lugar.
Matapos maikasa ang buy bust at nakatakda nang arestuhin ang suspek na si Puebla ay bumunot ito ng baril at nagpaputok kaya napilitang gumanti ang awtoridad na naging sanhi upang mapatay ang suspek na sinasabing umuwi sa bayan ng Balagtas upang dalawin ang kanyang kinakasama sa lugar at makuha sa pag-iingat nito ang sampung pakete ng shabu, isang kalibre 38 revolver at tatlong bala, buy bust money at motorsiklo.
Samantala, sinasabing nanlaban din si Gonzales sa operatiba ng pulisya sa Block 10, Northville 3, Barangay Bayugo, Meycauayan City dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi kaya ito napatay at isinasangkot din ito sa robbery hold-up at basag-kotse gang na kumikilos sa naturang lungsod, kalapit-bayan at Metro Manila.
Nakuha sa napatay na suspek ang isang caliber 38 revolver na kargado pa ng isang bala, dalawang pakete ng shabu, isang pake-te ng damo, digital weighing scale at buy bust money habang kumpirmadong sakit ng ulo sa naturang lungsod si Gonzales kaya kumasa ito at nanlaban hanggang sa maitumba sa palitan ng putok. A. BORLONGAN
Comments are closed.