IDINEKLARA ang araw ng pagdadalamhati o days of mourning sa bayan ng Aguinaldo sa lalawigan ng Ifugao dahil sa pagkasawi ng 10 residente nito na kasama sa mga natabunan ng landslide sa DPWH Building sa Mountain Province nang manalasa ang bagyong Rosita.
Sa bisa ng executive order na nilagdaan ni Aguinaldo Mayor Gaspar Chilagan, nagdeklara ito ng days of mourning na tatagal ng 7-araw.
Ipinag-utos na ilagay sa half-mast ang lahat ng watawat ng Filipinas sa mga ahensya ng gobyerno.
Kinansela rin ang lahat ng events sa lokal na pamahalaan sa panahon ng days of mourning.
Sa 29 na na-trap sa natabunang gusali ng DPWH, sampu sa mga biktima ay ang residente ng Aguinaldo. EUNICE C.
Comments are closed.