ZAMBOANGA DEL NORTE- INARESTO ng mga awtoridad sa paliparan ang isang dayuhang lalaking pasahero dahil sa isang bomb joke sa Paliparan ng Dipolog.
Batay sa ulat mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines Area Center 9, nabatid na ang dayuhan ay nag-claim na may dalang atomic bomb habang siya at ang kanyang asawa ay naghihintay ng kanilang flight papuntang Maynila nitong Miyerkules ng umaga.
Agad na pinigil ng mga awtoridad ang dayuhan at itinurn-over sa lokal na pulisya.
Dahilan upang hindi makasakay ang suspek at ang asawa nito sa kanilang flight dahil sa insidente.
Pinarurusahan ng Presidential Decree No. 1727 ang mga bomb joke na may parusang pagkakakulong ng hindi hihigit sa limang taon, o multang hindi hihigit sa P40,000.
EVELYN GARCIA