IPINAG-UTOS ng Bureau of Immigration (BI) ang masusing imbestigasyon tungkol sa status ng isang foreigner na tumakbo kahapon na nakahubad sa Metro Rail Transit (MRT) tracks sa may Shaw Boulevard station sa Mandaluyong City.
Ayon sa nakarating impormasyon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, biglang naghubad ng damit ang dayuhan nang dumaan sa isang security guard at tumalon sa railway sabay takbo patungong Shaw Boulevard MRT Station.
Sinabi ng ilang MRT officials, ang pasaherong dayuhan ay agad na inaresto at dinala sa Mandaluyong Police Station upang papanagutin sa kanyang nilabag.
Ipinag-utos ni Morente sa kanyang mga tauhan na suriin ang status ng paninirahan sa bansa ng dayuhan at kapag na napatunayan na overstaying ito, agad na ipa-deport.
Nakikipag-ugnayan na ang mga tauhan ng BI sa Mandaluyong Police ang pagkakakilanlan ng dayuhan upang mabusisi ang record at estado nito. FROILAN MORALLOS
536196 52604I saw your post awhile back and saved it to my computer. Only lately have I got a chance to checking it and have to tell you nice work. 407154
579092 969848In case you happen to significant fortunate folks forms, referring by natural means, furthermore you catch the attention of some sort of envy in consideration of those types the other campers surrounding you which have tough times about this topic. awnings 685194