DAYUHAN PAPAYAGANG LUMABAS NG BANSA

Commissioner Jaime Morente-6

PAPAYAGANG makalabas ng bansa ang mga dayuhan na may approved visa, kahit walang stamp sa pasaporte ayon sa pahayag ni Bureau of immigration commissioner Jaime Morente.

Ayon kay Morente, ipinatutupad ang direktibang ito upang mabawasan ang requirements sa pag-apply ng iba’t ibang klase ng visa application ng mga dayuhan habang patuloy na umiiral ang Enhanced Community Quarantine laban sa COVID-19 outbreak.

At upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na agarang makabalik sa kanilang mga bansa , habang ang Filipinas ay nasa peligro  sa pakikipaglaban sa coronavirus.

Sa ilalim ng BI regular procedures, ang aprubadong visa applications ay kinakailangang isumite sa BI main office para matatakan ang  pasaporte.

Bilang pakikiisa o pagsuporta sa pamahalaan sa kasalukuyang sitwasyon, pinapayagang umalis ang mga foreigner with approved but unimplemented visas, ngunit kinakailangan sumunod sa kondisyones na ipinatutupad ng ahensiya.

Kapalit ng visa implementation stamp, inaatasan ang mga foreigner na iprisinta sa immigration officers ang valid passport, pangalan at agenda ng pag-apruba sa visa  endorsement ng Department of Justice (DOJ) o kaya certification mula sa opisina na nag apruba, at official receipts bilang pagpapatunay na nagbayad sa reentry at exit permit fees.

Pinapayuhan ang bawat dayuhan na aagad na magtungo sa BI main Office  sa Intramuros pagdating sa Filipinas para sa revalidation ng visa at  im-plementasyon ng kanyang passport.  F MORALLOS

Comments are closed.