DAYUHANG MAY INVESTORS VISA PUWEDE NANG PUMASOK SA PH

SIMULA sa Nobyembre 1 ay papayagan nang makapasok sa Filipinas ang mga dayuhan partikular ang mga investor na mayroon valid visas.

Ito ang inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraan itong aprobahan ng  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa kanilang pagpupulong noong Oktubre 22.

“These foreign nationals include those with visas issued by the Bureau of Immigration pursuant to Executive Order No. 226, or the Omnibus Investments Code, as amended, and Republic Act. No. 8756; those with 47(a)(2) visas issued by the Department of Justice; and those visas issued by the Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority and the Subic Bay Metropolitan Authority,” sabi ni Roque.

Nilinaw ni Roque na ang pagpasok ng mga naturang foreign nationals ay kailangang sumunod sa mga nakalatag na mga kondisyon kabilang na ang pagkakaroon ng valid at existing visa sa pagpasok sa bansa at pre-booked accredited quarantine facility.

Ang mga foreign individuals ay kailangang nakabatay sa maximum capacity ng inbound passengers sa mga port at ang petsa  ng kanilang pagpasok sa bansa ay naaayon sa umiiral na immigration laws, rules, at regulations.

Samantala, ang mga ordinaryong dayuhang turista ayon kay Roque ay nananatiling bawal pa ring pumasok sa bansa dahil ang tourist visas na naisyu sa mga nakalipas na panahon ay na-revoke na.

“As of now, foreign tourists are not yet allowed entry, only investors,” giit pa ni Roque.

Nauna nang ipinatigil ng pamahalaan ang pagpasok ng mga dayuhan sa bansa noong Marso sa layuning maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease sa bansa. EVELYN QUIROZ

6 thoughts on “DAYUHANG MAY INVESTORS VISA PUWEDE NANG PUMASOK SA PH”

  1. 1049 873239Hello there! This is my first visit to your blog! We are a collection of volunteers and starting a new initiative in a community in the same niche. Your blog provided us beneficial information to work on. You have done a outstanding job! 925525

  2. 808134 577687This web internet site is usually a walk-through its the data you wished concerning this and didnt know who ought to. Glimpse here, and you will definitely discover it. 989060

  3. 147747 743315You produced some first rate factors there. I seemed on the internet for the difficulty and located most people will go along with together together with your site. 740638

Leave a Reply

Your email address will not be published.