DAYUHANG TERORISTA NAHARANG SA NAIA

HINARANG at hindi pinayagan makapasok sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang 27- anyos na Belgian at ang kasama nitong babae makaraang mabisto ng interpol na isa itong miyembro ng foreign terrorist group.

Ayon sa report na hindi muna ibinunyag ang pagkakilanlan nito ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Pebrero 7 sakay ng Etihad flight mula Abu Dhabi.

Base sa isinagawang verification, nadiskubre sa data base ng Interpol na mayroon record sa kanilang opisina ang dayuhan na may kaugnayan sa kasong terrorism-related crime sa kanilang lugar.

Sa ilalim ng Sec. 29 ng Philippine Immigration Act, ipinagbabawal sa mga dayuhan o foreigners na pumasok sa bansa na sangkot o pinaniniwalaan nag-advice, advocates, or teaches the overthrow by force and violence of constituted authority.

Ang dalawa ay agad pinasakay sa first available flight pabalik sa kanilang country of origin at kasabay nito isinama ang kanilang pangalan sa listahan ng mga blacklisted na dayuhan upang hindi na muli makabalik sa Pilipinas. FROILAN MORALLOS