MULING idiniin ni Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman ang pangako ng kagawaran na gawing digitalize ang proseso, records, at databases sa pamamagitan ng e-governance na bahagi ng agenda ng pamahalaan para maisulong ang bureaucratic efficiency.
Ginawa ng kalihim ang pahayag makaraan ang apat na araw na Annual National Convention Seminar ng Association of Government Accountants of the Philippines (AGAP) Inc. na magwawakas ngayong araw, Oktubre 22.
Ayon kay Pangandaman, nasa P12.47 billion ang national budget na ipinanukala para sa ICT at digitalization programs at mga proyekto.
Kasama rin ang pagpapaganda ng revenue collection sa pamamagitan ng Department of Finance na nakatanggap ng alokasyon para sa P3.56 billion.
“In support of the Administration’s thrust for a lean, efficient, and responsive government workforce–the FY 2023 Proposed National Budget will facilitate the transformation and digitalization of the government to streamline the bureaucracy,” ayon kay Pangandaman.
Dagdag pa ni Pangandaman na ang DICT ay may alokasyon na P4.72 billion para sa ICT Systems at Infostructure Development, Management, and Advisory Program kasama ang pagpapatupad ng National Government Data Center Infrastructure at ng National Government Portal para sa government departments at pagsulong ng accessibility.
Sinabi pa ni Pangandaman ang kahalagahan ng digitalizing sa public financial management systems para mapalakas ang integridad ng sistema, mabawasan ang human discretion, expedite inter-agency coordination, at matiyak ang efficient delivery ng public services.
Binigyan diin pa ng kalihim ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga accountant at mga government financial managers at ang buong AGAP Inc upang maisakatuparan ang minimithing bureaucratic efficiency at sound fiscal management.
Kabilang sa mga dumalo sa nabanggit na pagtitipon sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, DBM Undersecretary Tina Rose MarienCanda, AGAP national president at Analene Bautista na siyang convention chairman. EVELYN QUIROZ