ISINUMITE na ngayong araw ng Malakanyang sa Senado at Kamara ang draft bill na lilikha ng Department of Disaster Resilience (DDR).
Ito ang nabatid kay Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing ang naturang draft bill ay ibinase sa mga naging karanasan ng bansa sa mga nagdaang kalamidad kabilang na rito ang Supertyphoon “Yolanda” na ginabayan din ng leadership principles ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“The bill is anchored on government’s experience with previous disasters; among them super typhoon Yolanda. And guided by President Duterte’s leadership principles, the bill is envisioned to have a sole focus on natural hazards and disasters; it shall be guided by disaster resilience framework that will deliver on three key areas: disaster risk reduction, disaster preparedness and response, and recovery and building forward better,” sabi pa ni Roque.
Ayon kay Roque ang DDR ang tututok sa mga kaganapan upang mabawasan ang risk sa natural hazards at epekto ng climate change sa bansa.
“The bill is a product of interagency work, building on the salient points of the pending bills in Congress. Once passed into law, the creation of the department will be a significant step towards attaining safe, adoptive and disaster resilient communities by leading efforts to reduce the risk of natural hazards and the effects of climate change,” sabi pa ni Roque.
Bagamat nakasaad sa naturang bill ang pagluluklok ng mamumuno sa DDR ang iba pang ahensiya ng gobyerno na may kaugnayan sa disaster mitigation tulad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay magpapatuloy pa rin sa kanilang mga trabaho alinsunod sa kanilang mandato.
“Gusto niya someone is in charge. The President made this very clear when the proposed bill was presented in the last cabinet meeting. Of course the bill adopted what the President wants: only one person is incharge,” dagdag pa ni Roque.
Sa sandaling maisabatas ang DDR ay magsisilbi itong mahalagang hakbang upang magkaroon ng safe, adaptive at disaster-resilient communities sa pamamagitan ng pagsasanib ng puwersa upang mabawasan ang risk ng natural hazards at maging ang epekto ng climate change. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.