DDR IPASA NA NG SENADO

Joey Salceda

PANIBAGONG  “wake up call” sa gobyerno ang pagkamatay ng 20 katao sa Bicol na biktima ng bagyong Rolly, ilan pang buhay ang kailangan na masakripisyo bago umakto ang Senado at ipasa ang kinakailangang Department of Disaster Resilience(DDR)?

Ito ang tanong ni Albay Rep. Joey Salceda sa Senado sa harap na rin ng patuloy nitong pagtutol na ipasa ang DDR na una nang sinertipika-han bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte  sa kanyang State of the Nation Address(SONA) at naipasa na rin sa House of Representatives sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Salceda, isa nang “fact of life” ang kalamidad sa Filipinas, may mga  aktibong bulkan ang bansa, mas marami at malalakas na  bagyo ang pumapasok kada taon at dinagdagan pa ng climate change, ani Salceda,ang lahat ng epekto nito ay kayang mabawasan kung may-roong isang full-time agency na siyang tutugon at maghahanda sa oras ng kalamidad.

“How much human sufferings do we have to endure before we pass the vital DDR Act?”dagdag pa nito.

Ang kawalan ng pondo at dagdag gastos pa para sa pagbuo ng panibagong ahensya na DDR ang syang pangunahing dahilan kung bakit tutol sa panukala sina Sen. Panfilo Lacson at Dick Gordon subalit dinepensahan ito ni Salceda, aniya, hindi dapat maging balakid ang pondo sa pag-buo ng mga makabuluhang polisya dahil maari itong hanapan ng Kamara.

“We can be efficient in funding the DDR. We can find the funds for the new agency. But, if the problem is funding, then let’s find the funding, and not deny the problem,” nauna nang pagdepensa ni Salceda.

Taong 2010 nang ipasa ng Kongreso ang landmark legislation para sa disaster-risk reduction and management ba Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act (DRRM Act), bagamat nakatugon ito sa nagdaang mga kalamidad ngunit nang tumama sa bansa ang Supertyphoon Yolanda noong 2013 ay nakita ang kahinaan nito padating sa koordinasyon at pagpapatupad ng large scale disaster-risk reduction and management efforts kaya iminungkahi ni Pangulong Duterte sa Kongreso ang pagtatag ng DDR para mayroong bagong tanggapan na makakatugon ng mabilis sa panahon ng kalamidad.

Sa  inaprubahang House Bill 5989 o Disaster Resilience Act ng Kamara na magtatag ng DDR ay maeestablisa din ng National Disaster Operations Center (NDOC) na syang mangangasiwa sa monitoring at reresponde sa mga lugar na apektado ng kalamidad,  Alternative Command Centers (ACC), ang command center na tutulong sa NDOC at Disaster Resilience Research and Training Institute (DRRTI) na syang mangunguna sa training at pamamahagi ng impormasyon.

Binibigyan din ng kapangyarihan ang Pangulo ng bansa na magdeklara ng state of calamity at magpataw ng administrative sanctions sa mga local offiials na hindi gumaganap sa kanilang tungkulin sa oras ng kalamidad.

Sa termino ni Cayetano bilang House Speaker natutukan ang pagpasa ng DDR alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA subalit patuloy itong nakabinbin sa Senado.

Nanindigan ang mga mambabatas na hindi na kailangan pang hintayin ang “the big one” para umaksiyon at baka maging huli na ang lahat.

Comments are closed.