HINDI nagustuhan ng supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte na Die Hard Duterte Supporters (DDS) ang naging pagkampi at pag-tatanggol ni House Speaker Lord Allan Velasco sa red tagging sa Makabayan Bloc na malinaw umanong pagbalewala sa Pangulo at pangmamaliit sa kakayahan ng military sa pangangalap ng impormasyon laban sa CPP-NPA.
Sa Youtube Channel na Banat Balita ng DDS sinabi nito na sa ginawang pagtatatanggol ni Velasco sa Makabayan Bloc ay ipinakikita lamang nitong wala siyang nalalaman sa isyu ng CPP-NPA.
“Kung talagang kay Pangulong Duterte ka, sumunod ka sa kumpas ni Pangulong Duterte hindi naman sila mag-aakusa nang walang ebiden-sya, sinasabi mong careless accusations si Gen Parlade, hindi sila careless, puno ng ebidensiya, hindi ka nanonood, wala kang internet? Sanay ka naman gumamit ng cellphone bakit hindi mo tinitignan. Yung Makabayan bloc meron ebidensiya ang ating pamahalaan kaya ‘wag ibahin ang usapan itigil ang pagtatanggol dyan,”ayon pa sa DDS.
Matatandaan na una nang nagpasalamat sina Bayan Muna Rep
Carlos Isagani Zarate at Act Teachers Partylist Rep. France Castro kay Velasco sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanila sa red tagging ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflct (NTF-ELCAC) Spokesperson Lt Gen Antonio Parlade, giit ng Makabayan Bloc, naramdaman nilang protektado sila sa ginawa ni Velasco.
Sa ipinalabas na statement ni Velasco, sinabi nito na apektado siya sa ginagawang red-tagging ni Parlade sa House members.
“As Speaker of the House, I am duty bound to protect them from potential harm due to these careless accusations,” pahayag ni Velasco kung saan sinabihan nito si Parlade na maging maingat sa kanyang pananalita laban sa House members.
“We may not not agree with them on certain issues but be mindful that these lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated Is uncalled for”dagdag pa ni Velasco.
Sinabi ng mga supporters ni Pangulong Duterte na dalawa lamang ang nakikita nilang dahilan ng pagkampi ni Velasco sa Makabayan Bloc, una ay natatakot siyang banggain ang CPP-NPA dahil mayroong mga NPA sa distrito nito sa Marinduque o mapapakinabangan niya sa 2022 election ang mga ito.
Hamon nito kay Velasco na patunayan na malapit talaga kina Pangulong Duterte at Sara Duterte.
“Sinasabi niya na close siya kay Pangulong Duterte at Mayor Sara pero hindi niya (Velasco) alam na ang mga Duterte mismo ang nagsabi na may kaugnayan ang Makabayan Bloc sa CPP-NPA.
Matatandaan na sa kontrobersiyal na Instagram post noong October 8, 2018 ni Mayor Sara ay tinawag nitong milking cow ng mga terorista ang partylist system kung saan tinawag nitong terrorists at liars ang Makabayan Bloc na dapat ay matangggal sa Kamara.
Comments are closed.