SI BRAZILIAN Jorge Edson Souza de Brito pa rin ang head coacch ng Alas Pilipinas women hanggang Disyembre ng susunod na taon, ayon kay Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara.
“After careful thoughts, consideration and consultation with the PNVF board, I would like to officially announce that we would like to retain Coach Jorge until the a SEA Games 2025,” sabi ni Suzara matapos ang laro ng Alas Pilipinas kontra Powerful Daegu ng South Korea ss “Serve, Spike Unite” friendly match sa pagitan ng dalawang bansa sa Daegu City.
Ginawa ni Suzara ang anunsiyo sa tabi nina PNVF national team commission chair Tonyboy Liao, team captain Jia Morado-De Guzman at team manager Hollie Reyes.
“There are so many events up ahead for Alas Pilipinas so let’s continue supporting the team and the program,” dagdag ni Suzara.
Ang Thailand ang hosts sa 33rd SEA Games sa December 7-19 sa susunod na taon sa Bangkok–Chonburi–Songkhla.
Ang three-year contract ni De Brito sa ilalim ng Empowerment Program ng FIVB ay magtatapos na sana sa katapusan ng buwan, subalit bumuhos ang mga panawagan na manatili siya matapos na makopo ng Alas Pilipinas ang makasaysayang bronze medal sa Asian Volleyball Confederation Challenge Cup for Women sa Rizal Memorial Coliseum noong nakaraang buwan.