DE KALIDAD NA EDUKASYON LAGING ISUSULONG NI SEN. BONG REVILLA

THANKS po, Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa inakda nyong panukala na ngayon ay batas na.

Libo-libong kaba­taang matatalino mu­la sa mahihirap na pamilya — kabilang ang mga kaanak ko — ang makikinabang sa Republic Act No. 12006 or the ‘Free College Entrance Examination Act’ na ang Agimat ng Senado ang pangunahing may-akda at matagumpay na naidepensa sa Senate hearing.

Sa batas na ito, ‘yung academically excellent students ay exempted na, opo, hindi na oobligahing magbayad ng entrance examination fees at iba pang bayarin para lamang makapag-enrol sa kolehiyo.

Hadlang kasi sa mahihirap pero magagaling na estudyante ang makapasok sa college, kasi walang pambayad sa entrance exams at iba pang gastusin.

Salamat po, Sen. Revilla sa laging pag-iintindi nyo sa kapakanan ng mahihirap na mag-aaral at naipasa at batas na ang ‘Free College Entrance Examination Act’.

Di naging madali na maipasa ito, kasi alam naman natin, kapag ang isang panukalang batas ay kontra sa interes ng mga negosyante, tinututulan nila ito, pero ipinaglaban ito ni Sen. Bong, at dahil sa mahusay niyang pagpapaliwanag, naipasa sa una, ikalawa at tatlong pagbasa, hanggang maaprubahan at eto po, batas na.

Sabi nga niya sa isang mensahe ng kagalakan sa pagiging batas ng panukala, pinasalamatan ni Sen. Bong ang mga kapwa senador na nagsumikap na maaprubahan ang RA 2006.

“Tulad ng naipangako ko, basta po sa kapakanan ng edukasyon, basta sa kabutihan ng ating kabataan, atin pong ipaglalaban ito,” sabi nito.

Paano makikibanang ang mga estudyante, ganito po — all private Higher Education Ins­titutions (HEIs) are mandated to waive the said fees and charges imposed on graduates and graduating students applying for college admission provided that they meet certain requirements.

Ano-ano ang rekisitos para maging qualified sa batas na ito: siyempre, dapat  natural-born Filipino citizen ang mag-aaral,

Pag foreigner, di kasali sa exemption ng batas na ito.

Ang aplikante sa kolehiyo ay dapat, kabilang sa top 10% ng nagtapos at ang income ng pamilya ay kasali sektor ng mahihirap at hindi talaga kaya na makapagbayad ng entrance fee sa mga pribadong kolehiyo at unibersidad.

Ang edukasyon ay isang instrumento para makaangat sa buhay ang isang mula sa pamilyang dukha, at ito ang nais ni Sen. Bong na matulu­ngan.

Sabi nga niya, hindi  na poproblemahin ng ating mga kapos ngunit matatalinong mga estudyante ang pambayad sa entrance exam sa kolehiyo.

Dahil sa batas na ito, naalis ang isa sa mga balakid sa kakapusan ng mga kabataang may angking talino na makapagkolehiyo at maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay sa pamamagitan ng edukasyon.

Siyempre, hindi po sinosolo ni Sen. Bong ang tagumpay sa pagpasa ng batas na ito, kaya ang pasasalamat niya sa bagong liderato ni Se­nate Pres. Francis ‘Chiz’ Escudero at mga kasamang senador.

Mapupuri si Chiz kasi bilang chairperson noon ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, siya ang isa sa mga tumulong at naging kakampi si Sen. Revilla para maipasa ang makabuluhang batas na ito na ngayon ay tutulong sa mga kabataang kapos sa buhay.

At eto pa ang isang batas sa Edukasyon na naipasa at naging batas na inakda ni Sen. Revilla —  ito ang  ‘Anti ‘No Permit, No Exam Policy’ Act’ (RA 11984).

Kapakanan ito ng mga estudyante na dahil sa kakapusan ng pamilya na mabayaran nang buo ang hulugang matrikula, binabawalan ng school management na kumuha ng final exams.

Sa RA 11984, bawal na ang ;praktis na ‘no permit, no exam’  sa mga publiko at pribadong paaralan.

Iba talagang magtrabaho si Sen. Revilla na kita ang akomplisment na hindi pabida-bida sa Senado kungdi tahimik lamang magtrabaho.

Ang kanyang adbokasiya, iangat ang kalidad ng edukasyon, kaya nakikipagmiting siya sa ating bagong DepEd Sec. Sonny Angara para mas ma-improve ang curriculum ng mga bata sa elementarya at high school.

Sabi nga niya, basta kapakanan ng kabataang Pinoy, at pagsusulong ng de kalidad na edukasyon, iyon ang lagi niyang isusulong at ipaglalaban sa Senado.

Kaya kailangan nga natin na suportahan si Sen Revilla sa kanyang reeleksiyon nang maipagpatuloy ang adhikain niya para sa kapakanan ng kabataang Pilipino na matamo ang pangarap na edukasyon.

Teka, may kumakalat na “marites” na hindi raw magse-senador sa 2024 si Sen. Bong, mali po ito.

Sabi ng kanyang anak, si Cavite 1st Dist. Rep. Jolo Revilla, hindi totoo na tatakbong go­bernador ang tatay niya.

Una, political allies nila si Cavite Gov. Jonvic Remulla at ang kanilang political family ay magkasangga noon pa man.

Tuloy ang laban ni Sen. Bong Revilla sa Senado, at ipinagpapasalamat niya, sa mga political survey, siya ay laging nakalista sa mga preferred candidates na gustong ibalik ng taumbayan sa Senado.

Dapat lang, kabalikat, kasangga ng masa ang Agimat ng Senado — si Sen. Revilla.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa [email protected].