DE KALIDAD NA ROTC IGINIIT NA IPATUPAD NA

IGINIIT  ni Senador Francis Tolentino na kailangang ipatupad ng bansa ang dekalidad na Reserve Officers’ Training Corp (ROTC) sa gitna ng digmaang Israel-Hamas.

Sinabi ni Tolentino na pinakilos ng Israel ang kanilang 300,000 ROTC reservists.

“Siguro, mas ano, mas naha-highlight ‘yung need for a quality ROTC program. Kasi kung makikita mo ‘yung sa Israel 300,000 ‘yung minobilize na ROTC reservists nila,” ayon sa senador.

Gayunpaman, binigyang-diin ng mambabatas na hindi siya war pandering, bagkus ito ay upang ihanda ang mga kabataan.

“It’s not about war. It’s about patriotism,” ani Tolentino.

Kasunod ng sabay-sabay na mga atake ng Hamas noong Oktubre 7 na nagresulta sa higit sa 1,000 pagkamatay, pinakilos ng militar ng Israel ang 300,000 reservist.

Ang panukala ng Senado na nag-uutos sa Reserve Officers’ Training Corps para sa mga mag-aaral sa mga institusyong teknikal-bokasyonal at mas mataas na edukasyon ay kasalukuyang nakahanda para sa talakayan sa buong Senado.
LIZA SORIANO