DE LIMA NAKALABAS NA NG OSPITAL

NAKALABAS  na ng ospital si Senador Leila de Lima matapos sumailalim sa “major” surgery at ngayon ay nagpapagaling na sa procedure.

“Discharged from the hospital yesterday. Still recovering from a major surgery. Still experiencing some pains but I feel generally fine,” sinabi ni De Lima.

Nagpasalamat din siya sa mga nagdasal para sa kanya.

Sumailalim ang senador sa vaginal hysterectomy na may anterior at posterior colporrhaphy sa Manila Doctors Hospital noong nakaraang linggo.

Ito ay matapos siyang ma-diagnose na may Stage 3 pelvic organ prolapse sa kanyang medical check-up noong Abril.

Si De Lima ay nakakulong mula noong Pebrero 2017 dahil sa paulit-ulit siyang isinasangkot sa mga kasong may kinalaman sa droga.

Isa sa kanyang tatlong kaso ay na-dismis habang dalawa ay sumasailalim pa sa paglilitis. LIZA SORIANO