DEADLINE SA ROAD CLEARING OPS PINALAWIG

DILG undersecretary Jonathan Malaya

PINALAWIG pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang deadline para sa road-clearing op-erations ng mga local government units (LGUs).

Ayon kay DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, pinalawig pa nila ng isang linggo ang naturang deadline kasunod na rin ng mga hiling ng ilang LGUs na bigyan pa sila nang mas mahabang panahon para sa proyekto.

Sa halip na ika-15 ng Enero  na  deadline ay iniurong ito sa ika-22 ng Enero.

Ani Malaya, naiintindihan nila ang kahilingan ng mga LGU dahil na rin sa nararanasang pandemya ng bansa.

Samantala, lilikha naman ng validation teams ang DILG  para sa programa katuwang ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection na magsisimula sa ika-25  ng Enero. DWIZ882

Comments are closed.