PINAMAMADALI ni 1-Ang Edukasyon partylist Rep. Salvador Belaro Jr., sa House Committee on Ways and Means ang pag-apruba sa panukala na gawing 100% tax free ang death benefits ng mga guro na magtatrabaho sa eleksiyon.
Layunin ng House Bill 7732 na ilibre sa buwis ang death benefits, honoraria at travel allowance ng public school teachers at iba pang civil servants na maglilingkod sa halalan.
Sa ilalim ng RA 10756 o Election Service Reform Act (ESRA), mayroong P500,000 na election-related death benefits ang mga guro na magsisilbi sa halalan pero ito ay may kaukulang ipinapataw pa na buwis.
Ayon kay Belaro, hindi naman masasagasaan at maaapektuhan ang operasyon ng gobyerno sa makukuhang revenue cost ng panukala.
Aniya, nararapat lamang na alisan ng buwis ang death benefits ng mga guro na naglilingkod sa halalan dahil isinasakripisyo ng mga ito ang kanilang buhay, oras at lakas para lamang matiyak ang malinis at maayos na eleksiyon. CONDE BATAC
Comments are closed.