ISUSULONG pa rin ni Senate President Vicento Sotto III ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan na kasalukuyang nakabimbin sa Senate Committee on Justice habang pasado na ito sa Kamara.
Ang posisyong ito ni Sotto ay taliwas sa naging pahayag ng Santo Papa na ang parusang kamatayan ay hindi katanggap-tanggap.
Ani Sotto, ang nais niyang mapatawan ng parusang bitay ay ang mga sangkot sa high-level drug trafficking tulad ng mga drug lord.
Ipinaliwanag ng Pangulo ng Senado na hindi rin maituturing na anti-poor ang isinusulong niyang bersyon ng death penalty dahil wala namang mahirap na drug lords.
Iginiit nito, hindi rin siya pabor na mapatawan ng death penalty ang iba pang sangkot sa illegal drug trade tulad ng mga nagtutulak at nag-iingat ng ilegal na droga, gayundin ang mga gumagamit nito na mas makabubuting isailalim na lamang sa rehabilitasyon.
Comments are closed.