NANINIWALA si Senate President Vicente Tito Sotto III na posibleng makalusot sa 18th Congress ang pagbuhay sa parusang kamatayan.
Ito ang naging pahayag ni Sotto sa isinagawang Kapihan sa Senado matapos na halos mga kandidato ng administrasyon ang mga nangunguna sa partial and unofficial tally ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Sotto, karamihan sa mga nasa top 12 tulad ni dating PNP Chief Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ay pabor sa death penalty subalit para lamang sa mga heinous crime tulad ng illegal drug trade.
Subalit, sinabi ni Sotto na kapag ipinilit ang ilang krimen na isama sa death penalty ay tiyak na maraming senador ang tututol di-to.
Sa kabila nito, sinabi ni Sotto na hindi naman prayoridad ng senado ang death penalty ngunit sakaling may maghain nito sa 18th Congress na gaya si Senador Manny Pacquiao ay tiyak itong tatalakayin at may posibilidad na makalusot sa Senado. VICKY CERVALES