NANINIWALA si PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao panahon na para ibalik ang parusang kamatayan para sa mga sa bigtime drug traffickers at distributor.
Ginawa ni Danao ang pahayag kasunod paghahain muli ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ng panukalang pagbabalik ng death penalty sa mga big time drug trafficker at plunderer.
Sa pananaw ng heneral matagal na dapat na ibinalik ang death penalty para sa mga convicted drug trafficker na posibleng maging deterrent umano sa mga bigtime drug syndicate na responsable sa pag-aangkat at pagpupuslit ng droga sa bansa.
“We welcome that development. Unang una alam naman natin kung ano talaga yung illegal effects ng ilegal na droga sa pangangatawan ng tao, especially for those who are drug dealers who were caught with so many kilos of illegal drugs, I think it’s high time to really bring back death penalty lalong lalo na sa aspeto na yan sa iligal na droga,” ani Danao.
Gayunpaman, nilinaw na sa panukalang batas ay limitado lamang sa bigtime drug traffickers ang mga nais na maparusahan ng parusang kamatayan.
Layon nito na hindi masabi na ‘anti-poor’ ang panukala ni Dela Rosa. VERLIN RUIZ