DEATH PENALTY SA CORRUPTION

death penalty

IMINUNGKAHI  ng isang commissioner ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na isama ang korupsiyon bilang isa sa heinous crimes na maaring patawan ng parusang kamatayan.

Iginiit ni PACC Commissioner Greco Belgica na dapat parusahan ng death penalty ang  mga opisyal ng gobyerno na mapatutunayang sangkot sa korupsiyon.

Nakukulangan daw siya sa mga batas ngayon laban sa korupsiyon kaya mayroon pa ring matatapang at malalakas ang loob na magnakaw sa kaban ng bayan.

Ayon kay Belgica, ang pagsama sa korupsiyon sa mga krimen na dapat patawan ng parusang kamatayan ay hindi lamang para magsilbing “fear factor” sa  government officials.

Higit sa lahat, ito ay para na rin maibigay ang nararapat na hustisya sa bansang pinagnakawan ng mga opisyal na ito.   DWIZ882