DEATH PENALTY SA DROGA SINUPORTAHAN

death penalty

TINIYAK ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na buo ang suporta niya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa panawagan nitong pagbabalik ng death penalty para sa mga heinous crime na may kinalaman sa illegal drugs.

Sinabi ni Go na dapat ay mas palakasin pa ang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang salot sa lipunan.

Ayon kay Go, base sa pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang 5th State of the Nation Address, ang paglaya sa illegal drugs, terorismo, korupsiyon at kriminalidad ay paggalang sa human rights.

Inihayag ng Pangulo na hindi lang tutuldukan ng lethal injection ang mga krimeng bunga ng illegal drugs kundi para mailigtas ang mga kabataan sa mga krimeng bunga nito.

Matatandaang isinulong ni Go ang Senate Bill No. 207 noong nakaraang taon na naglalayong amyendahan ang Republic Act 9346 na bumuwag  sa death penalty  para sa heinous crimes kabilang na ang illegal drugs at plunder.

Samantala, pinuri ni Go si Pangulong Duterte dahil sa patuloy nitong paglaban sa korupsiyon at pagpapanagot sa mga sangkot sa anomalya. LIZA SORIANO

Comments are closed.