DEATH PENALTY SA PLUNDER

BATO and GO

HINDI lamang ang kaso sa illegal drugs ang nais na patawan ng parusang kamatayan kundi maging ang kasong pandarambong o plunder.

Sa inihaing panukalang death penalty ni Senador Bong Go para sa mga  dawit sa pandarambong, sinabi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na nababahala siyang hindi ito makalusot sa Senado.

Sa panukalang batas ni Dela Rosa, tanging drug traffickers lamang ang maaring maparusahan ng kamatayan.

Ayon kay Dela Rosa, kapag isinama ang plunder sa death penalty, tiyak na mahihirapan na makalusot ito.

Kapag nangyari ito, nababahala ang dating PNP chief na madamay ang isinusulong na  death penalty sa mga drug trafficker.

Nakatakdang kausapin ni Dela Rosa si Go para hikayatin itong huwag nang isama ang plunder sa parusang bitay para mas may pag-asa na makalusot ang panukala sa Senado.

Gayunpaman, hindi tutol si Sen. Dela Rosa na maparusahan ng kamatayan ang mga sangkot sa plunder subalit hindi pa na-papanahon para isama ito sa nasabing panukala. VICKY CERVALES

Comments are closed.