HANDANG iprayoridad ni incoming ACT-CIS partylist representative Niña Taduran ang pagsusulong ng death penalty sa darating na 18th Congress.
Sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Cafe sa Quezon City, sinabi ni Taduran na handa niyang buhayin ang parusang kamatayan bilang parusa sa mga mapapatunayang nagkasala sa mga karumal-dumal na krimen.
Tinukoy ni Taduran ang mga dapat patawan ng parusang kamatayan gaya ng mga naghahasik ng terorismo, drug lords at iba pang gumagawa ng heinous crimes sa bansa.
Aniya, napapanahon nang ibalik ang death penalty bunsod ng lubhang nakaaapekto ito sa ekonomiya ng bansa kung saan maraming mga malalaking investors ang nagdadalawang isip na pumasok bunsod ng pamamayani ng masasamang loob na naghahasik sa Filipinas.
Binigyang diin din ni Taduran na nananatiling suportado ng ACT-CIS partylist ang kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa ilegal na droga na aniya’y dapat lamang suportahan ng lahat upang tuluyang masawata ang salot na ito sa bansa. B ABAYGAR, JR.
Comments are closed.