DEATH PENALTY TULDUKAN NA

DEATH PENALTY

MULING nanindigan ang isang pari sa pagtutol ng Simbahang Katoliko sa pagpapatupad ng parusang kamatayan sa bansa kasunod na rin ng deklarasyon ni Pope Francis na ang death penalty ay ‘inadmissible’ o hindi kailanman katanggap-tanggap.

Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng Public Affairs Committee ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), dahil sa pahayag ng Santo Papa ay dapat na ring matuldukan ang anumang kalabuan sa isyu ng death penalty.

Sinabi ng pari na wala nang dahilan para bigyan ng rason o hustipikasyon ang pagpapatupad ng death penalty sa bansa.

Nanindigan din ang pari na sa damdamin ng simbahan ang implementasyon sa death penalty ay hindi dapat na ikonsidera sa lahat ng kaso, maging anuman ang sirkunstansiya nito.

“The change should now put to rest the ambiguity regarding death penalty,” ayon naman kay Secillano. “No reason exists to justify its imposition. In the mind of the church, death penalty shouldn’t be considered in all cases and under different circumstances.”

Nauna rito, sa pagbabago ng katekismo na inaprubahan ng Santo Papa, nakasaad na “The Church teaches, in the light of the Gospel, that ‘the death penalty is inadmissible because it is an attack on the inviolability and dignity of the person’.”  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.