HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik sa parusang kamatayan sa mga krimeng may kinalaman sa droga at pandarambong.
Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) kahapon sa Batasan Pambansa Complex, muling hinimok ni Duterte ang mga mambabatas na magpasa ng panukala para ibalik ang death penalty.
“I respectfully request Congress to reinstate the death penalty for heinous crimes related to drugs as well as plunder,” ani Duterte.
“The drugs will not be crossed out unless we continue to eliminate corruption that allows the social monster to survive,” anang Pangulo.
Muli rin nitong inulit ang pagbuhay sa ROTC para sa Grades 11 and 12 upang maiwasan din umano ng mga estudyante sa paggamit ng shabu.
Nangangamba ang Pangulo na baka sa sampu katao ay sampu rin ang hindi man lamang marunong humawak ng baril.
Sa bungad ng kanyang talumpati ay ipinagmalaki ng Pangulo ang survey ng Pulse Asia kung saan walo sa 10 mga Filipino ang kuntento sa perfor-mance nito.
Nagbiro pa ito na umaasa siya na hindi kasama ang mga kongresista sa tatlo mula sa 10 Filipino na hindi nagtitiwala sa kanya.
“I hope that the members of Congress — sana hindi kayo included sa 3% — inspires me with determination to pursue relentlessly what we have started at the start of my administration,” sabi pa ni Duterte.
Comments are closed.