‘DEATH’ SA DRUGS AT PLUNDER SESERTIPIKAHANG URGENT

Senador Bong Go

MALAKI ang tsansa na sertipikahang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong ibalik ang parusang kamatayan para sa mga kasong ilegal na droga at plunder.

Sa panukalang batas ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na Senate Bill 207 ay isinusulong na maibalik ang parusang kamatayan para sa mga sangkot sa illegal drugs at plunder.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador ­Panelo, mismong ang ­Pangulo ang  nagsulong  sa mga mambabatas sa pagbuhay muli sa death penal-ty sa kanyang State of the Nation Address noong Lunes.

“Ang feeling ni Presidente ‘yan ang pinakamabigat na problema natin. One, is corruption; number two, is iyong sa droga kaya siguro mas gusto niya iyon – hoping that it will mitigate the upsurge of this drug menace as well as the plunderous activities of the plunderers,” giit ni Panelo.

Giit ni Panelo, kung si Pangulong Duterte lamang aniya ang masusunod, bitay ang gagawing parusa sa mga sangkot sa illegal drugs at plunder dahil lubid na lamang ang gagamitin para wala nang gastos.

Subalit naniniwala pa rin si Panelo na maaring ang lethal injection na una nang ipinatupad sa bansa ang gamiting parusa. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.