DEATH TOLL KAY OMPONG: 105 NA, 36 MISSING

Presidential-Spokesman-Harry-Roque

BENGUET – PINA­NGANGAM­BA­HANG umabot sa 105 ang namatay sa pananalasa ng bagyong Ompong noong Biyernes hanggang Sabado.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang panayam ng mga miyembro ng PNP Press Corps sa Camp Crame kahapon ng uma­ga ay nasa 59 ang nasawi as of 9PM noong Linggo.

Gayunman, lumobo ang mga nasawi nang magsagawa ng paghahanap ang mga tauhan ng National Disaster Risk Reduction Management Council, mga pulis, sundalo at local government units.

Sinabi pa ni Roque na hindi naman nakalimot ang mga tauhan sa paghahanda subalit ang hindi nila inaasahan ay ang pagtatago ng mga residente sa kabundukan ng Itogon.

Napag-alaman din na nasabihan na ang mga residente na lumikas subalit dahil mga kongkreto ang mga bunk house sa nasabing bundok, inakala ng mga biktima na ligtas na sila sa pagguho.

Sinabi naman ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde na nagpadala na siya ng 24-man team para sa search and rescue operations kung saan kabilang ang Special Action Forces.

Kahapon ay nagkaroon din ng press briefing sa Provincial Capitol, La Trinidad, Benguet.

Pasado alas-5 ng hapon ay pumasok na rin ang balita na nasa 70 pa ang pinaghaha­nap na natabunan sa nasabing kabundukan ng Itogon.

Ang breakdown naman ng bilang ng mga nasawi ay 34 sa Itogon, siyam sa Baguio, anim sa Mt. Province,  apat sa Nueva Vizcaya,  tatlo sa La Trinidad, dalawa sa Central Luzon, tig-isa sa Kalinga, Tuba, La Union, Ilocos Sur, Caloocan City at Bicol region.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.