CAMP AGUINALDO- UMAKYAT na sa 41 ang naitalang bilang ng mga namatay sanhi ng pananalasa ng Bagyong Ursula noong Kapaskuhan sa Eatern at Western Visayas gayundin sa Region 4B o Mimaropa.
Sa ulat na binahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinangangambahang aakyat pa ito sa 50 bunsod ng 12 katao pa ang missing.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, marami sa mga nasawi ay bunsod ng pagkalunod sanhi ng flashflood, may ilang nabagsakan ng debris at nakoryente.
Matatandaang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang nasabing bagyo noong Disyembre 23, 2019 at lumabas nito lamang Sabado ng umaga, Disyembre 28, 2019.
Nabatid na may 30 naman ang naitalang sugatan sanhi ng mga bumagsak na debris, mga sanga ng puno at iba pang bagay na tinangay ng malakas na hangin.
Tuloy-tuloy naman ang pagbibigay ng tulong sa mga lumikas na residenteng nasa evacuation centers.
Lumilitaw sa datos ng NDRRMC, pinakamataas ang bilang ng nasawi sa Western Visayas na umaabot sa 20 ang naitalang bilang habang sa Eastern Visayas ay may 13, Mimaropa 7, at isa naman sa Central Visayas.
Samantala, iginiit ni Timbal ang pagpapairal ng mahigpit na alituntunin hinggil sa panahon ng kalamidad lalo na sa oras ng evacuation na ipagbawal o total ban sa mga nakalalasing na inumin .
Sinabi pa ni Timbal na “Walang magpapagala-gala muna o mag-hold ng land travel. Kung indoors lang po ang lahat ng tao at nakasilong wala po siguro mababagsakan ng puno
Tinatayang aabot sa higit Php 1 Billion ang naging danyos ng nakalipas na bagyo sa mga pananim at infrastructure sa Mimaropa, Bicol, at Visayas, anang NDRRMC. VERLIN RUIZ
Comments are closed.