KABUUANG 40 katao ang casualties sa pananalasa ng Christmas Typhoon Ursula.
Sa update mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kahapon alas- 6:00 ng umaga noong Biyernes, Disyembre 27, umabot na sa 28 ang bilang ng mga nasawi habang patuloy na pinaghahanap ang 12 na nawawala.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, pinakamaraming naitalang nasawi sa lalawigan ng Iloilo na matapos masalanta ng bagyo ay niyanig pa ng lindol.
Sa pinakahuling data ng local government units (LGUs) lumalabas na apat na ang namatay sa Eastern Samar, tatlo sa Leyte at Biliaran, 13 sa Iloilo, apat sa Capiz at tatlo sa Oriental Mindoro.
Ang naturang bilang ay nakarating na rin sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) habang patuloy ang dating ng mga data mula kahapon na nasa 21 ang patay dahil sa bagyo.
Umaabot naman sa 12 ang naitala pang nawawala habang dalawa ang sugatan sa western at Eastern Visayas.
Aabot pa rin sa 12,139 na pamilya o 45,757 indibiduwal ang nasa evacuation centers sa 340 villages sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at Caraga. VERLIN RUIZ
Comments are closed.