PINANGANGAMBAHAN na malalagpasan pa ang bilang na inilabas kahapon ng National Disaster Risk Reduction Management Council na may 378 reported death bunsod ng paghagupit ng Bagyong Odette sa Pilipinas bago sumapit ang Pasko.
Base sa kanilang datos inihayag ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na umakyat na sa 378 ang nasawi mula sa 367 na kanilang naitala nung araw ng pasko, subalit nasa 44 lamang sa nasabing bilang ang confirmed or validated.
Batay sa talaan,Cebu at Bohol ang may pinakaraming bilang ng nasawi base sa situational report ng NDRRMC kahapon ng umaga.
Umaabot naman sa 60 ang bilang ng nawawala habang 742 katao naman ang naitalang nasaktan o nasugatan mula sa may 3.9 million katao na naapektuhan ng pananalasa ng Typhoon Odette.
“It’s possible na nagsisimula nang magsiuwian ‘yong mga kababayan natin, na-realase na po sa evacuation center iyong iba dahil umiigi na ‘yong panahon in those areas, kaya nabwasan na rin ang mga evacuation center,” ayon kay Timbal.
Tinatayang aabot naman sa P16 bilyon ang tinatayang danyos sa mga imprastraktura habang nasa P3 bilyon naman sa sektor ng agrikultura, pananim, livestock and poultry industry at maging sa fish farms.
Habang nasa 478,963 kabahayan naman ang winasak ni Odette ng manalasa ito sa ilang lalawigan sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Timbal, target ng gobyerno na sa susunod na buwan ng Enero mai-restore na ang linya ng mga koryente.
Subalit, kung hindi ito makaya ay tiyak sa buwan ng Pebrero 2022 ay fully restored na ang power supply sa mga nasabing rehiyon.
Paliwanag pa ni Timbal, bukod sa pagbabalik ng power supply, prayoridad din ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga bahay ng mga kababayan natin na nasira dahil kay “Odette.”
Aniya, uunahin muna na maibalik ang mga bahay na nasira at saka na lagyan ng koryente
Siniguro naman ng Department of Energy (DOE) sa publiko lalo na duon sa mga hinagupit ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao ay magiging fully restored sa May 9 NG susunod na Taon.
VERLIN RUIZ