DEATH TOLL SA CEBU LANDSLIDES PUMALO SA 29

CEBU LANDSLIDE

NAGING  mabagal ang paghaha­nap sa mga biktima ng pagguho sa Naga City, Cebu.

Habang pinangangambahang ma­daragdagan pa ang 29 na bilang na nasawi sa nasabing pagguho.

Ito ay bunsod ng mahamog at maulap ang panahon sa lalawigan ng Cebu sa mga susunod na araw bunsod ng umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon kay Pagasa Mactan Chief Engr. Al Quiblat Jr., patuloy na magdadala ang ITCZ ng maulap na ­kalangitan na may mahina hanggang sa katam-tamang mga pag-ulan sa ­Southern Luzon, Visayas at Min­danao.

Ayon kay Quiblat, mula nang magsimula ang buwan hanggang kahapon, 12 maulan na araw ang naitala ng ­Pagasa-Mactan sa lalawigan.

Umabot na rin sa 133.5 ­millimeters (mm) na tubig-ulan ang bumuhos sa lalawigan hanggang noong Miyerkoles.

Nasa 300 emergency respon­ders mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ang patuloy na nagsasagawa ng rescue operations sa Naga hanggang gabi ng Huwebes.

Sinabi ni weather specialist Romeo Aguirre na mapanganib ang rescue operations dahil patuloy ang paggalaw ng lupa.

Sakali aniyang magkaroon ng paggalaw sa lupa sa kasagsagan ng ulan ay posibleng may maganap ulit na landslides.                       EUNICE C.

Comments are closed.