DEATH TOLL SA COVID-19: 3,097

Covid 19

INIULAT  ng  South China Morning Post na nasa 105,799 kaso na ang COVID-19 sa buong mundo,  3,598 ang death toll at 58,568 na ang naka-recover.

Nasa 80,695 na ang kaso sa mainland China habang 3,097 ang nasawi; South Korea- 7,134 (cases), 50 (deaths);  Italy-5,883 (cases), 233 (deaths);   Iran-5,823 (cases), 145  (deaths);  France- 949 (cases), 16  (deaths).

Sa Filipinas, anim pa lamang ang iniulat na positibo sa COVID-19 habang isa ang nasawi.

RESCUE OPS SA BUMAGSAK NA QUARANTINE CENTER SA CHINA PATULOY

PATULOY ang rescue operations ng mga awtoridad sa bumagsak na hotel na ginagawang quarantine center ng may mga coronavirus disease sa Fujian, China nitong Sabado.

Habang isinusulat ang balitang ito ay sampu nang pasyente ang iniulat na nasawi, 38 ang nailigtas at ginagamot sa ospital habang 23 pa ang pinag­hahanap.

Nasa kustodiya naman ng awtoridad ang may-ari ng hotel para maimbestigahan.

Tinatayang nasa 80 katao ang nasa loob ng quarantine center.

 

44  BAGONG INFECTION SA CHINA

MAY 44 bagong COVID-19 infection sa mainland  China, karamihan ay sa Wuhan habang 27  katao naman ang na­dagdag sa bilang ng nasawi  habang sa South Korea ay mayroong 367  karagdagang kaso.

 

STATE OF EMERGENCY SA NEW YORK

Nagdeklara ang  New York  ng state of emergency sa pagkalat  ng coronavirus  na ngayon ay 89 kaso na sa lugar.

Mahigit  sa kalahati ng lahat ng  US states  ang may mga iniulat na kaso,  na may 19 bilang ng mga nasawi.

 

LOCKDOWN SA ITALY

Nilagdaan  ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte  ang isang kautusan  araw ng Linggo  upang ilagay ang mga residente ng northern Italy sa lockdown dahil sa  coronavirus.

Dahil dito ay nasa travel restrictions na rin ang  buong Lombardy region,  maging ang 14  ibang lalawigan, upang malabanan ang COVID-19 na ngayon ay nasa 5,883  ang kaso habang  233  na ang nasasawi.

Comments are closed.