PUMALO na sa 34 ang nasawi dahil sa panananalasa ng Bagyong Carina at Habagat sa buong Luzon kabilang ang Metro Manila.
Batay sa datos mula sa Philippine National Police (PNP) Command Center, 22 sa mga biktima ang nasawi sa pagkalunod, lima ang nakuryente, anim ang namatay sa landslides at isa ang nabagsakan ng puno.
Bukod sa mga nasawi, 18 ang sugatan at anim pa ang pinaghahanap.
Sinabi naman ni PNP Public Information Office Chief, Col. Jean Fajardo, tuloy-tuloy pa rin ang search and rescue operations sa mga nawawala.
Sa Calabarzon o Region 4A, iniulat ng Police Region Office 4A na 12 katap ang nasawi kasam ang lima sa Batangas dahil sa landslides, apat sa Rizal, at tatlo sa Cavite.
Dalawa katao naman ang nawawala sa Cavite at Rizal, kung saan ang anim katao ang sugatan.
Sa Metro Manila, nasa 11 katao ang nasawi kasama ang tig-tatlong biktima mula sa Manila at sa Quezon City, habang tig-isa sa Malabon, Valenzuela, San Juan, Mandaluyong, at Pasay.
Walo katao naman ang naiulat na sugatan sa Quezon City.
Samantala sa Central Luzon, iniulat ng Police Regional Office 3 na siyam ang nasawi dahil sa kalamidad kasama ang anim katao mula sa Bulacan, at tatlo sa Pampanga.
Dalawa ang nawawala sa Bataan at Zambales, tatlo ang pinaghahanap, tatlo ang sugatan mula sa Bataan at isa sa Pampanga.
Dalawa katao rin ang nasawi mula sa Bicol region.
Samantala, malaki ang diprensiya ng bilang ng PNP sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung 14 katao lamang ang nasawi dahil sa nagdaang bagyo na Carina, Butchoy at Carina.
Batay rin sa datos ng NDRRMC, 1.3 milyon katao o nasa 299,344 pamilya ang apektado ng kalamidad.
Sa nasabing apektado, 211,396 people o 53,414 families ay nasa evacuation centers, habang ang 675,932 individuals o 114,735 families ay nakituloy na lamang sa kailang kamag-anak sa ibang lugar.
Sa kabuuang 317 bahay na nasira, 240 ay partially damaged habang 77 ang totally damaged.
EUNICE CELARIO