ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Capital Region head Major General Debold Sinas bilang bagong hepe ng Philippine National Police.
Ito ang inanunsyo sa ginanap na press briefing kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na kung saan, ngayong araw din ay mag-sisimula na si Sinas sa kanyang bagong posisyon.
Pinalitan ni Sinas ang magreretirong PNP chief General Camilo Cascolan.
“The President believes that Chief Sinas will be effective on his job,” sabi ni Roque.
Sinabi pa ni Roque, ang kontrobersyal na police general ay may natatanging “track record” at malaki ang naitulong sa giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.
Kumpara sa iba pang senior officers ng PNP, ayon kay Roque ay si Sinas ang maitururing na most trusted ng Pangulong Duterte.
Mahigpit ang tagubilin ng Pangulong Duterte sa bagong PNP chief na ipagpatuloy ang war on drugs at ang pagpapanatili sa peace and order sa bansa.
Si Sinas ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) class of 1987, mistah nina Lt Gen. Guillermo Eleazar at Lt..Gen. Cesar Hawthorne Binag.
Manunungkulan si Sinas hanggang Mayo ng susunod na taon.
Kaugnay nito, naghahanda na ang PNP para sa retirement honors at Change of Command. EVELYN QUIROZ/ VERLIN RUIZ
Comments are closed.