DEBOTO NG MANAOAG TINIYAK NA LIGTAS | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
MANAOG

DEBOTO NG MANAOAG TINIYAK NA LIGTAS

PANGASINAN- HINDI dapat mangamba ang mga namamanata na magtutungo ngayong araw sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag dahil ligtas at  nakaalerto ang hanay ng pulisya kaugnay ng inaasahang buhos ng mga deboto na bibisita sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa Palm Sunday.

Sinabi ni Capt. Manuel Garcia, deputy chief of police ng Manaog Municipal PNP na nakalatag na ang mga plano ng kanilang tanggapan dahil mala­king bilang umano ang kanilang inaabangan na darating sa kilalang pilgrimage site.

Bukod sa mga pulis, katuwang din daw nila ang mga sundalo para matiyak ang seguridad ng mga deboto.

Magpapatupad ng traffic re-routing dahil inaasahan din na bibigat ang daloy ng trapiko sa palibot ng simbahan.

Pinag-iingat ng opisyal ang mga bibisita sa masasamang loob gaya ng mga mandurukot o snatcher.

Pinaalalahanan nito ang mga deboto na nagnanais magtungo sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag na maging vigilante at mag-ingat sa mga masasamang loob katulad ng mga mandurukot.                   PILIPINO Mirror Reportorial Team

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS