UMABOT sa P118.836 billion ang binayaran ng national government (NG) para sa ilang pagkakautang nito noong Agosto, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr) showed.
Sa datos ng BTr, ang nasabing halaga ay mas mataas ng 62.42 percent sa payment na isinagawa sa kaparehong buwan noong nakaraang taon na P73.168 billion.
Ang amortization payment ay nasa P90.535 billion, habang ang binayarang interest ay P28.301 billion.
“The government’s amortization posted a 93.46 percent expansion compared to last year’s P46.798 billion, with interest payments also posting a slight uptick of 7.32 percent compared to the P26.37 billion reported in August 2017,” ayon sa datos ng BTr.
“Furthermore, domestic amortization totaled P86.350 billion for the month due to redemptions which is comprised of the Bond Sinking Fund and the Agrarian Reform Beneficiaries, while foreign amortization comprised P4.185 billion of the total.”
Ang domestic interest payments na isinagawa ng pamahalaan sa pamamagitan ng Treasury bills, fixed rate Treasury bonds, at Retail Treasury Bonds ay umabot sa P17.487 billion, kung saan ang foreign interest payments ay umabot sa P10.814 billion.
Mula January to August period, ang pamahalaan ay naglaan ng P581.945 billion para sa pagbabayad ng utang nito, mas mataas ng 5.58 percent kumpara sa P551.197 billion na isinagawa sa kaparehong panahon noong 2017. REA CU
Comments are closed.